Mga Patnubay Sa Pagbigkas ng Tula at Talumpati
1. Layunin.
Ano ang layunin ng tula o talumpati ?
Narito ang ilang karaniwang layunin ng tula
o talumpati:
a. Magpakilos
tungo sa isang pagsasagawa
b. Manghikayat
c. Magbigay
ng impormasyon
d. Magbigay-aliw,
at iba pa.
Mahalagang maunawaan ng bibigkas ang tunay na layunin ng tula at
talumpati. Hindi kalianman mabibigyang buhay ang pyesa kung hindi malinaw sa
bibigkas ang layunin nito.
2. Pagkakaugnay ng Mambibigkas at Madla. Paano
masasabing epektibo ang isang bumibigkas?
Masasabing epektibo ang bumibigkas kung
natitinag niya ang nanonood. May malakas siyang hikayat sa madla kung nagagawa
niya itong patawanin o paiyakin sang-ayon na rin sa diwang isinasaad ng tula.
3. Tikas o Tindig. Paano ba ang tamang tindig
sa tanghalan?
Sa pagtindig, ang bigat ng katawan ay nasa
nauunang paa. Kadalasang kanan ang nauunang paq. Ngunit kung patag ang tayo,
ang bigat ng katawan ay nasa dalawang paa.
4. Tinig. Paano ba ang tamang tinig sa
tanghalan ?
Sa makabagong paraan ng pagbigkas, ang
isinasaalang-alang ay ang diwa ng tula. Kaya’t ang tinig ay maaaring
magbagu-bago ayon na rin sa diwang isinasaad nito. Maaari rin naming pabulong o
paanas. Ang mahalaga ay alam ng bumibigkas kung kalian niya hihinaan o
lalakasan ang tinig ayon sa diwang ipinaaabot ng tula.
5. Panuunan ng Paningin. Mailalarawan mob a
ang tamang panuunan ng paningin?
Isang kahinaan ng bumibigkas ang pagiging
mailap ng kanyang mga mata. Dapat itong maiwasan. Nagiging mabisa ang
bumibigkas kung alam niya ang pagtutuunan ng kanyang paningin. Karaniwang ang
paningin ay nagsisimula sa gitna sag awing likuran. Maaari itong igawi sa kanan
o kaliwa, ngunit hindi dapat laktawan ang gitna.
6. Himig. Anong uri ng himig ang kailangan sa
pagbigkas?
Ang isang dapat maiwasan sa pagbigkas ay
ang himig na parang ibong umaawit o parang pusang naglalampong. Kung minsan
naman, ang tono o himig ng bumibigkas ay naroong lumakas-humina;
humina-lumakas. Ito ang tinatawag na monotone. Hindi ito kahali-halina sa
nakikinig. Ang mahalaga ay ang pagsasaalang-alang sa diwa ng tula o talumpati.
7. Pagbigkas. Paano ba ang wastong pagbigkas?
Dapat maging malinaw ang pagbigkas o pagbitaw
ng mga salita ayon sa wastong diin at pagkakapantig nito. Ang mga pantig ay
dapat na ipukol nang malinaw lalo na ang mga salitang may impit na tunog.
8. Pagkumpas. Paano ba ang mahusay na
pagkumpas?
Higit na maganda kung sa pagkumpas ay
isinusunod natin ang ating mata. Para bang hinahagod natin ng tingin ang
direksyong itinuturo. Dapat iwasan ang pabigla-bigla o pasulput-sulpot na
kumpas. Tandaan na ang bawat pagkumpas ay may layunin. Damhin kung ano ang nais
ipahayag ng tula o talumpati.
salamat
TumugonBurahinSalamat :)
TumugonBurahinSalamat po., malaki ang maitutulong nito upang mas maayos ang magiging presentasyon ng mga bata.
TumugonBurahinsalamat,
TumugonBurahinsalamat
TumugonBurahinThank you😂
TumugonBurahinMaraming salamat po dahil may natutunan ako
TumugonBurahinSalamat
TumugonBurahinMaraming salamat po!
TumugonBurahinIto'y sobrang nakatulong sa akin lalo na sa pagbibigkas ko ng isang tula.
Salamat po
TumugonBurahinMay copyright po ba ito? Nasa Filipino 6 book po ito ng FBN Educational, Inc. Biyaya ng Filipino (Ikalawang Edisyon). This is our 3rd Grading lesson coverage.
TumugonBurahinMay copyright po ba ito?
TumugonBurahinIlang minuto po ba binibigkas ang tula
TumugonBurahin